Wednesday, November 14, 2007

NASAAN NA ANG NINGNING NI ANGEL LOCSIN?

Ano na kaya ang mangyayari ngayon sa career ni Angel Locsin ? Mula ng lumipat sa kabilang stansyon (abs-cbn) ay hindi pa rin sya nagkakaroon ng regular na teleserye. Sayang naman ang kanyang career kung mawawala lang ng ganon lalo pa ngayong marami ng nagsusulputan na mga bagong artista na mas bata at mas maganda. Sayang ang talento niya kasi nagawa na nyang umangat sa mga kasabayan nya noon , sa tingin ko at opinion ay nagkamali sya ng desisyon sa paglipat ng station. Nabigyan tuloy ng opurtunidad ang bagong kinalolokohan ng mga tao na si Marimar na sana sya ang gaganap dito...ay siguro ang laking hinagpis ng kampo nila ngayon. Hay ganon talaga ang buhay me panahon ikaw ang sikat at me panahon na rin kailangan mong lumubog. Mahihirapan na sya ngayong bumawi sa kanyang career. Dahil kahit ano pa ngayon ang kanyang gawin kese hodang magtamblingsya ng patiwarik wala ng makakagusto sa kanya ngayon... wala na ang kanyang ningning naubos na ang mga taong nag-aabang sa kanyang pagbabalik na ewan kung kelan pa mangyayari. Magsilbi sana ito sana itong leksyon sa iba pang artistang nagmalaki sa mga taong kanyang inasahan sa panahon na hindi pa sya kilala sa industriya nyang ginagalawan.